High-value drug sa Camarines Norte, patay sa shootout

By Dona Dominguez-Cargullo, Lyle Kaye Returco - Radyo Inquirer Intern February 11, 2019 - 12:14 PM SHARE(S):

Nasawi sa shootout ang isang hinihinalang pusher na itinuturing na high-value target ng mga otoridad.

Sa ulat ng otoridad, namatay sa isang shootout ang isang high value drug suspek sa bayan ng Paracale sa Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Tetsuo Arfiesa Susa, 31 taong gulang at residente ng Barangay Mambalite sa lalawigan ng Daet.

Ayon kay Cheif Insp. Maria Luisa Calubaquib, sa operasyon na isinagawa, nahuli ang suspek gamit ang isang undercover agent sa Purok 6 ng barangay Bagumbayan dakong 9:45 linggo ng gabi.

Nang malaman ng suspek na isang pulis ang katransakyon, bumunot agad ito ng isang 36 kalibre revolver at nagpaputok sa undercover agent. Hindi naman natamaan ang police poseur buyer at gumanti ito ng pagbaril sa suspek.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang suspek na agad itinakbo sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.

Nakuha sa suspek ang 13 plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P15,000.

TAGS: buy bust, Camarines Norte, encounter, shootout, War on drugs, buy bust, Camarines Norte, encounter, shootout, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.