Maliban sa tigdas, kaso ng dengue dumarami din ayon sa DOH

Maliban sa kaso ng tigtas, nakapagtala din ang Department of Health (DOH) ng pagdami ng kaso ng dengue.

Kinumpirma ni Health Undersecretary Eric Domingo ang pagtaas ng kaso na naturang sakit dahil umano sa sunod sunod na pagbago ng panahon sa bansa.

Ani Domingo sa Central Visayas pa lamangm nakapagtala na ng 2,132 dengue cases ngayong taon at may 18 ang kumpirmadong namatay sa naturang sakit.

Sa ngayon ayon sa DOH, ang tanging paraan para makaiwas sa dengue ay ang pagsugpo sa lamok.

Wala kasi aniyang gamot pa o bakuna panlaban sa dengue matapos ngayong maging kontrobersyal ang Dengvaxia vaccine.

Makatutulong din na maiwasan ang paglala ng sakit kung maaagapan ito ayon kay Domingo.

Read more...