Bela Padilla, co-writer at co-producer ng Valentine’s movie na “Apple of My Eye”

By Dona Dominguez-Cargullo, Liberty Alcanar - Radyo Inquirer intern February 11, 2019 - 11:22 AM SHARE(S):

Ipalalabas sa Valentine’s day ang romantic drama na pinamagatang “Apple of My Eye” kung saan co-writer at co-producer ang aktres na si Bela Padilla.

Ang pelikula ay ang kauna-unahang digital project ni Padilla at ito’y pagbibidahan nina Marco Gumabao at Krystal Reyes.

Ang “Apple of My Eye” ay ipalalabas sa streaming service na iWant.

Ang pelikula ay prinoduce nina Padilla at Dreamscape Digital sa direksyon ni James Robin Mayo.

Isinulat ito ng aktres kasama si Andrian Legazpi.

Ang “Apple of My Eye” ay ang pangalawang script na isinulat ni Bela Padilla kasunod ng dark romance drama na “Last Night”.

TAGS: Apple of my eye, Bela Padilla, valentine's day, Apple of my eye, Bela Padilla, valentine's day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.