LOOK: Comelec nagpalabas ng notice sa mga kandidato para sa pag-arangkada ng campaign period bukas
Pormal nang nagpalabas ng notice ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato para sa pagtanggal ng kanilang election propaganda bago ang pormal na pag-uumpisa ng campaign period.
Sa ipinalabas na notice ng Comelec sa lahat ng kandidato at partido, mayroon pang nalalabing oras ang mga ito para baklasin ang kanilang election propaganda.
Ang notice ay nilagdaan ni Comelec Spokesperson James Jimenez.
Kung hindi aniya mababaklas, ang kandidato ay maaring makagawa election offense.
Bukas, February 12 ang pormal na pag-arangkada ng campaign period para sa national candidates habang sa March 9, 2019 naman para sa local candidates.
Kabilang sa ipinagbabawal na election propaganda ay ang mga nakapaskil sa labas ng common poster areas, mga nasa pampublikong lugar, at ang mga nasa pribadong lugar na walang consent ng may-ari ng espasyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.