Pagsasampa ng kaso laban sa Chinese national itinuloy ng pulis na sinabuyan ng taho

By Dona Dominguez-Cargullo February 11, 2019 - 10:30 AM

Itinuloy ni PO1 William Cristobal ang pagsasampa ng reklamo laban sa babaeng Chinese national na nagsaboy sa kaniya ng taho sa Boni station ng MRT-3 noong weekend.

Mga reklamong direct assault, disobedience to an agent of a person in authority at unjust vexation ang isinampa ni Cristobal laban kay Jiale Zhang sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office.

Magugunitang nag-viral ang ginawa ni Zhang kay Cristobal.

Si Zhang ay isang fashion design student at nag-aaral dito sa Pilipinas.

Kasabay nito ay inilabas naman ng mga otoridad sa publiko ang CCTV footage ng pangyayari.

Ang footage ay mula sa CCTV ng MRT-3 Boni station.

TAGS: Boni station, chinese national, MRT, Radyo Inquirer, taho incident, Boni station, chinese national, MRT, Radyo Inquirer, taho incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.