Lalaking kalalaya lang sa bilangguan nagpanggap na pari, arestado sa Maynila
Arestado ang isang lalaki matapos magpanggap na pari manghingi ng pera kapalit ng pagmimisa at pagbabasbas.
Ayon kay Manila Police District Station 1 Commander Supt. Reynaldo Magdaluyo, ang suspek ay kinilalang si Marlon Ponterez na dati nang nakulong at miyembro ng Sputnik Gang.
Nabatid na sa kasagsagan ng kapitstahan sa Tondo, nag-ikot si Ponterez ng naka-abito at nagdaos ng mga misa, at nagbasbas ng bahay.
P1,000 umano ang hinihingi ni Ponterez sa mga namimisahan at nababasbasan.
Sinabi ni Magdaluyo na para mapaniwala ang mga tao, maliban sa suot na abito, may dalang bibliya at pekeng holy water ang suspek.
Pero isang nabiktima ni Ponterez ang naghinala nang makita na inipit nito sabibliya ang perang ibigay sa kaniya.
Ayon kay Magdaluyo, noong nakaraang taon lang nakalaya si Ponterez matapos makulong dahil sa kasong carnapping.
May tattoo din siya sa katawan na patunay na siya ay miyembro ng Sputnik Gang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.