Ariana Grande nagwagi ng kaniyang unang Grammy Award

By Dona Dominguez-Cargullo February 11, 2019 - 08:49 AM SHARE(S):

Napanalunan ni Ariana Grande ang kauna-unahan niyang Grammy award para sa BEst Pop Vocal Album.

Itinanghal na Best Pop Vocal Album ang kaniyang studio album na “Sweetener” at ito ang unang Grammy ni Ariana sa kaniyang career.

Anim na beses na nang nagkaroon ng Grammy nomination si Ariana at ito ang unang pagkakataon na siya ay nanalo.

Gayunman, hindi nakadalo si Ariana sa seremonya.

Sa kaniyang post sa Instagram, sinabi ni Ariana na sinubukan niya talagang makadalo sa event.

Pinasalamatan din ni Ariana ang lahat ng nasa likod ng kaniyang album.

TAGS: Ariana Grande, Grammy, Grammys, Vest Pop Vocal Album, Ariana Grande, Grammy, Grammys, Vest Pop Vocal Album

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.