Bus at kotse nagkabanggaan sa Skyway

By Dona Dominguez-Cargullo February 11, 2019 - 08:32 AM SHARE(S):
Inquirer file photo

Isang pampasaherong bus at isang kotse ang nagkabangaan sa bahagi ng Skyway sa Pasay City malapit sa NAIA Terminal 3 Lunes (Feb. 11) ng madaling araw.

Wasak na wasak ang likurang bahagi ng kotse na may plakang NAW 5103.

Habang wasak din ang unahan ng bus na may plakang TYF 997 at biyaheng Pacita-Navotas

Bagaman malakas ang pagkakabangga ng bus sa likurang bahagi ng kotse, wala namang nasugatan sa aksidente.

Nabatid na kapwa Chinese nationals ang saka ng kotse na lalabas sana ng NAIA exit at patungo sa Resorts World Manila.

Ayon sa driver ng bus, biglang gumitna ang kotse mula sa fast lane at saka tumigil dahilan para hindi na ito mahintuan ng bud.

Kapwa naman naialis na rin sa lugar ang dalawang sasakyan bago pa abutin ng rush hour.

TAGS: accident, bus, CAR, Radyo Inquirer, Skyway, accident, bus, CAR, Radyo Inquirer, Skyway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.