Magkasintahan huli sa buy-bust operation sa loob ng isang apartel sa QC

By Jong Manlapaz February 11, 2019 - 08:16 AM SHARE(S):

Arestado ang magkasintahan sa loob ng isang apartel sa ginawang buy-bust operation ng Cubao Police Station-7.

Kinilala ang dalawang suspek na sina 1. Mark James Dean, alyas “Mark”, 30 anyos; at
Kathrina Angeline Natividad alyas “Kelly”, 28 anyos.

Ang dalawa ay dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng mga otoridad.

Naaresto ang dalawa sa loob ng Room 5, G 10 Apartelle, along EDSA, Cubao, Quezon City matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa pangangalaga ng dalawa ang 27 piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu, P500 na buy-bust money at isang cellular phone.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa R.A. 9165.

TAGS: arrested, buy bust operation, quezon city, War on drugs, arrested, buy bust operation, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.