10 percent ng Filipino Seafarers ay mga babae ayon sa Marina

Sa mahigit isang milyong Filipino seafarers, 73,027 ang babae.

Kinumpirma ito ng Maritime Industry Authority o MARINA.

Ang datos ay batay sa pinakahuling listahan na binigyan ng Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB) noong Disyembre 2018, patunay na ang seafaring ay hindi lamang sa mga lalake.

Dahil dito patuloy ang suporta ng MARINA sa mga kababaihan upang patunayan na maaari rin silang maging mahusay sa industriya ng seafaring.

Kamakailan ay nagsagawa ng seminar workshop sa gender and development na ang layon ay maipaunawa ang kahalagahan ng mga konsepto para sa GAD at bilang bahagi ng mga programa at polisiya sa maritime industry.

Read more...