Malalakas na aftershocks nararanasan pa rin sa Surigao del Norte matapos ang M5.9 na lindol noong Biyernes
By Dona Dominguez-Cargullo February 11, 2019 - 07:01 AM
Nakararanas pa rin ng malakas at magkakasunod na aftershocks sa Surigao del Norte matapos ang naitalang magnitude 5.9 na lindol doon noong Biyernes (Feb. 8).
Pinakahuling naranasang pagyanig ay ang naitalang magnitude 3.7 na lindol sa bayan ng General Luna.
Naitala ang lindol alas 76:31 ng umaga ng Lunes, Feb. 11 sa 16 kilometers northeast ng General Luna.
May lalim na 13 kilometers ang pagyanig.
Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng nasabing lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.