Recycled metal na kakailanganin para sa Olympic medals malapit nang makumpleto

Malapit nang makumpleto ang kinokolektang recycled metals na gagamitin para sa produksyon ng lahat ng medalya para sa 2020 Tokyo Olympic games.

Ayon sa Tokyo metropolitan government at Tokyo Organizing Committee, posibleng sa katapusan ng Marso ay tapos na ang koleksyon ng recycled metals.

Ang metals na gagamitin ay mula sa mga bahagi ng cellphones at maliliit na electronic devices.

Nagsimula ang koleksyon ng metals noon pang April 2017.

Nasa 5,000 gold, silver at bronze medals ang kakailanganin para sa 2020 games.

Read more...