Democratic Senator Amy Klobuchar inanunsyo ang pagtakbong presidente sa U.S.
Inanunsyo na ni Minnesota Democratic Senator Amy Klobuchar ang pagtakbo nito sa pagkapangulo ng U.S. sa susunod na taon.
Ayon sa senador, tatakbo sa bilang presidente dahil nais ng karamihan na mabigyang pansin ang kanilang trabaho.
Si Klobuchar ay isang prosecutor at nakilala siya sa paggisa sa appointment nina Supreme Court Justice Brett Kavanaugh at Attorney General nominee William Barr.
Dahil dito, isa na ang 58-anyos na mambabatas sa nadagdag sa mga kababaihan na nagpahayag ng interest na tumakbo sa halalan sa Estados Unidos.
Kabilang din siya sa mga miyembro ng Democrats na nagpahayag ng kagustuhang tumakbo kasama nina Elizabeth Warren, Kamala Harris at Tulsi Gabbard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.