WATCH: ‘Won’t Let You Go’ MV ni Marco Maurer ft. Erich Gonzales

By Rhommel Balasbas February 11, 2019 - 06:36 AM SHARE(S):

Inilabas na ng rapper na si Marco Maurer ang kanyang music video na pinamagatang ‘Won’t Let You Go’.

Tampok sa nasabing music video ang aktres na si Erich Gonzales.

Bukod sa pagpamamalas ng kanyang talento sa pag-awit, si Erich din ang tumayong direktor ng nasabing MV.

Nakilala ni Marco si Erich sa pamamagitan ng kanyang kapatid na Thai-superstar na si Mario Maurer.

Matatandaang nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang ‘Suddenly It’s Magic’.

Samantala. Ito ang ikalawang beses na itinampok ni Marco ang isang Filipina sa kanyang musika.

Noong December 2017, inilabas ni Marco ang kanyang single na ‘Party Like A Freak’ kung saan tampok naman si Kakai Bautista.

TAGS: Marco Maurer, Radyo Inquirer, Won’t Let You Go', Marco Maurer, Radyo Inquirer, Won’t Let You Go'

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.