Lalaking nagbebenta ng nakaw na motorsiklo patay sa engkwentro sa Nueva Ecija

By Dona Dominguez-Cargullo February 11, 2019 - 06:26 AM SHARE(S):
Police banner

Patay ang isang lalaki sa ikinasang entrapment operation ng mga otoridad sa bayan ng Bambang sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Sr. Insp. Samuel Lopez, hepe ng Bambang Police, may nagsumbong sa kanila na may lalaking nagbebenta ng nakaw na motorsiklo at baril sa lugar.

Dahil dito, nagkasa ng entrapment operation ang mga pulis sa suspek na si Jayson Ragual.

Gayunman, sa kasagsagan ng bentahan ay natunungan ng suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon.

Sa halip na iabot ang baril sa nagpanggap na buyer ay itinutok ito ng suspek at nagpaputok ng dalawang beses.

Hindi naman napuruhan ang pulis na nakasuot ng bullet proof vest, kaya ginantihan ng putok ang suspek dahilan para ito ay masawi.

Nakuha sa suspek ang caliber 45 na baril, at motorsiklo na kaniyang ibinebenta. Nakuhanan din ito ng bag na naglalaman ng tatlong maliliit na sachet ng shabu.

TAGS: bambang, nueva ecija, Radyo Inquirer, bambang, nueva ecija, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.