Amihan patuloy na nakakaapekto sa Luzon

Walang namamataang sama ng panahon ang PAGASA na makakaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon sa 4am weather update ng ahensya, hanging Amihan pa rin ang umiiral na weather system sa bansa partikular sa Luzon.

Ngayong araw, dahil sa Amihan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng Luzon ay maalinsangan ang panahon na may posibilidad ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Sa Visayas at Mindanao naman, maalinsangan ang panahon ngunit may posibilidad ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms.

Magandang balita para mga mangingisda dahil walang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas ang paglalayag.

Read more...