2 retired bishops pumanaw na

By Rhommel Balasbas February 11, 2019 - 04:34 AM SHARE(S):
Courtesy of Brenda Milan / CBCP

Inanunsyo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpanaw ng dalawang retired bishops araw ng Linggo.

Ayon sa CBCP, pasado alas-5:00 ng umaga ng Linggo ay pumanaw na si Marbel Bishop Emeritus Dinualdo Gutierrez sa General Santos City.

Ang retired bishop ay pumanaw sa edad na 79.

Ipinanawagan ng kasalukuyang obispo ng Marbel na si Bishop Allan Casicas ang panalangin para sa kaluluwa ng namayapang obispo.

Nagsilbi sa diyosesis si Gutierrez sa loob ng 35 taon at pinamunuan nito ang National Secretariat for Social Action (Nassa) ng Simbahan.

Samantala, ilang oras ang pagpanaw ni Gutierrez ay inanunsyo naman ng Diocese of San Carlos sa Negros Occidental ang pagpanaw ni Bishop Nicolas Mondejar.

Pumanaw sa edad na 94 ang obispo at siya ang pangalawa sa pinakamatandang obispo ng bansa.

Namatay ang obispo sa kasagsagan ng pagdiriwang ng diyosesis ng kanyang ika-31 anibersaryo ng pagkakatalaga bilang unang obispo ng Diocese of San Carlos.

Pinamunuan din ni Mondejar ang National Secretariat for Social Action (Nassa).

TAGS: Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), Marbel Bishop Emeritus Dinualdo Gutierrez, San Carlos Bishop Emeritus Nicolas Mondejar, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), Marbel Bishop Emeritus Dinualdo Gutierrez, San Carlos Bishop Emeritus Nicolas Mondejar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.