Enrique, Liza umamin na sa estado ng kanilang relasyon

By Rhommel Balasbas February 11, 2019 - 01:28 AM SHARE(S):

Inamin na nina Enrique Gil at Liza Soberano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa episode ng Gandang Gabi Vice (GGV) kagabi, tinanong ni Vice Ganda si Enrique kung sila na ba ni Liza at sinagot naman niya ito ng ‘yes’.

Nasurpresa ang lahat kabilang ang Unkabogable star.

Noon pa man ay ‘vocal’ na ang dalawa sa kanilang nararamdaman para sa isa’t isa ngunit hindi inaamin ang estado ng kanilang relasyon.

Samantala, matapos ang pag-amin ni Enrique ay sinabi ni Liza na ‘officially together’ na sila sa loob ng higit dalawang taon.

Nagsimula anya ang kanilang relasyon sa buwan ng Oktubre.

Dito na lalong kinilig ang mga fans.

Ang guesting ng dalawa sa GGV ay para sa promotion ng kanilang Valentine movie na ‘Alone/Together’ na ipalalabas sa Miyerkules, February 13.

TAGS: ‘Alone/Together’, Enrique Gil, Liza Soberano, LizQuen, ‘Alone/Together’, Enrique Gil, Liza Soberano, LizQuen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.