UP Pep Squad, nakasungkit ng 3 medalya sa Cheerleading World Championships

 

Inquirer file photo

Humakot ng tatlong medalya ang University of the Philippines Pep Squad sa 2015 Cheerleading World Championships (CWC).

Ang UP Pep Squad ang naging pambato ng Pilipinas sa nasabing patimpalak na naganap mula November 21 hanggang 22 sa Berlin.

Nakuha nila ang silver medal sa Cheer All Female category sa iskor na 329.5.

Nasungkit naman ng Japan ang gintong medalya sa iskor na 497.5 habang napunta naman ang bronze sa Germany sa iskor na 310 point.

Bukod sa silver medal, nakakuha ng dalawa pang bronze medals ang UP Pep Squad sa Cheerdance Doubles category sa iskor na 207.5 points at Small Groups Mixed event sa iskor na 228.5 points.

Japan ulit ang nakakuha ng gold sa Cheerdance Doubles, habang Thailand naman ang nakasungkit ng ginto sa Small Groups Mixed event.

Read more...