Terrence Romeo, SMB pinatumba ang Magnolia sa PBA Cup

By Rhommel Balasbas February 11, 2019 - 12:28 AM SHARE(S):
PBA Images

Nagpakitang gilas si Terrence Romeo sa laban ng bago niyang koponan na San Miguel Beer kontra Magnolia sa PBA Philippine Cup, Linggo ng gabi.

Wagi ang Beermen kontra Hotshots sa iskor na 113-92 na ikalawa nang sunod na panalo ng koponan.

Bukod sa naitala niyang 23 points, hinangaan ang si Romeo dahil walo sa kanyang sampung tira ang pumasok sa ring sa loob lamang ng 22 minuto niyang paglalaro.

Bukod kay Romeo ilan pang Beermen players ang nagtala ng higit 20 puntos sa pangunguna ni Arwind Santos na may 29 points at June Mar Fajardo na may 22 points.

Para kay SMB head coach Leo Austria lubhang nasa focus ang kanyang koponan.

Mahusay anyang nagawa ng kanyang mga manlalaro ang kanilang game plan.

Simula pa lamang ng laro ay dominante na ang Beermen sa laban.

Dahil sa panalo ay umabante ang record ng San Miguel sa 4-3 habang nalaglag naman ang Magnolia sa 0-2.

Samantala, nanguna naman para sa Hotshots sina Ian Sangalang at Paul Lee na may 19 at 16 points.

TAGS: 2019 PBA Philippine Cup, Magnolia Hotshots, San Miguel Beermen, Terrence Romeo, 2019 PBA Philippine Cup, Magnolia Hotshots, San Miguel Beermen, Terrence Romeo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.