Bata patay sa sunog sa Quezon City

By Rhommel Balasbas February 11, 2019 - 04:00 AM SHARE(S):
Jayve Frech Marigondon

Isang apat na taong gulang na bata ang nasawi sa sunog na naganap sa North Fairview, Quezon City.

Hindi na nakalabas pa ng bahay ang biktima na bigong mailigtas ng kanyang mga kapatid.

Wala ang kanilang ina na kasalukuyang nasa Laguna habang ang kanila namang ama ay nasa Batasan.

Ayon sa mga residente, napabayaang kandila ang sanhi ng sunog dahil sa walang kuryente ang bahay na pinagmulan nito.

Ang sunog ay nagsimula alas-9:00 ng gabi at umabot sa ikalawang alarma.

Natupok ang walong bahay at tinatayang aabot sa P80,000 ang pinsala sa mga ari-arian.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung talagang kandila ang sanhi nito.

TAGS: Bureau of Fire Protection, Quezon City fire, Bureau of Fire Protection, Quezon City fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.