M4.3 na lindol naitala sa Surigao del Norte

By Rhommel Balasbas February 11, 2019 - 03:19 AM SHARE(S):

Muling nakaranas ng pagyanig ang Surigao del Norte Lunes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, isang magnitude 4.3 na lindol ang naganap alas-12:48 sa layong 28 kilometro Hilagang Silangan ng bayan ng General Luna.

May lalim itong 17 kilometro at tectonic ang dahilan.

Ayon sa ahensya ang lindol na ito ay aftershock pa rin ng magnitude 5.9 na lindol na tumama sa lalawigan noong Biyernes.

Kahapon araw ng Linggo ay dalawang magnitude 5.1 na lindol ang naitala sa kaparehong lugar.

Hindi naman inaasahang nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang mga pagyanig.

TAGS: aftershocks, PHIVOLCS-DOST, Surigao earthquake, aftershocks, PHIVOLCS-DOST, Surigao earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.