4 na buwang gulang na sanggol patay sa tigdas sa Tarlac

By Rhommel Balasbas February 11, 2019 - 02:49 AM

Nasawi dahil sa tigdas ang isang apat na buwang sanggol sa Tarlac City.

Ang kambal naman ng sanggol na mayroong ding tigdas ay patuloy na ginagamot sa ospital.

Ayon sa ama ng kambal na si Joshua Salvador, sa una ay walang silang nakitang sintomas na may tigdas ang kanyang mga anak.

Ang pagkasawi ng anak ni Salvador ay kasunod ng deklarasyon na may outbreak ng tigdas sa Central Luzon at sa iba pang rehiyon sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) Central Luzon, may 12 bayan at isang lungsod sa buong Tarlac ang mayroong measles outbreak.

Samantala, nasa 22 ang kaso ng tigdas na nadagdag sa Tarlac Provincial Hospital nitong weekend.

Nagkakahawaan din ang mga pasyente dahil sa kakulangan sa isolation room.

Isang sanggol na 21 araw pa lamang ang pinakabatang tinamaan ng sakit ang dinala sa naturang ospital.

TAGS: Central Luzon, measles outbreak, Tarlac Provincial Hospital, tigdas, Central Luzon, measles outbreak, Tarlac Provincial Hospital, tigdas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.