Chinese national na nagsaboy ng taho sa pulis sumailalim na sa inquest proceedings

By Rhommel Balasbas February 11, 2019 - 02:05 AM SHARE(S):

Sumailalim na sa inquest proceedings ng Mandaluyong City Police ang babaeng Chinese na nanaboy ng taho sa isang pulis sa MRT-3 Boni station.

Noong Sabado, imbes na inumin ay sinabuyan ng taho ni Jiale Zhang, 23 anyos ang pulis na si PO1 William Cristobal.

Matatandaang isriktong ipinatutupad ngayon ng mga awtoridad ang pagbabawal sa liquid items sa mga linya ng tren.

Nahaharap ngayon si Zhang sa mga kasong direct assault, disobedience to agent of person in authority at unjust vexation.

Pero nagdesisyon ang pamunuan ng MRT-3 na magsampa ng hiwalay pang kaso laban sa Chinese national.

Bukod sa bawal na itong makapasok sa lahat ng istasyon ng MRT, nais din ng MRT officials na ipadeklara si Zhang bilang undesirable alien at ipa-deport ito.

TAGS: Chinese national throws taho at police personnel, jiale zhang, mrt-3, Chinese national throws taho at police personnel, jiale zhang, mrt-3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.