M5.1 na lindol naitala sa Surigao del Norte
Dalawang magnitude 5.1 na lindol ang naitala sa Surigao del Norte araw ng Linggo.
Ayon sa Phivolcs, ang una ay naganap alas-6:21 ng umaga sa layong 31 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng General Luna.
May lalim itong siyam na kilometro.
Naramdaman ang Intensity II sa Surigao City habang Instrumental Intensity I naman sa Cebu City at Gingoog City, Misamis Oriental.
Kanina namang alas-10:33 naganap ang ikalawang magnitude 5.1 na lindol.
Ito ay sa layong 34 na kilometro Hilagang-Silangan pa rin ng bayan ng General Luna.
May lalim naman itong walong kilometro.
Intensity IV ang naramdaman sa General Luna, Surigao del Norte habang Intensity II naman sa Surigao City.
Instrumental Intensity I naman sa Borongan City; Palo, Leyte; Gingoog City at Cebu City.
Ayon sa Phivolcs, ang mga may kalakasang pagyanig naito ay aftershocks ng magnitude 5.9 na lindol na tumama sa lalawigan noong Biyernes, February 8.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.