Pope Francis bibisita sa Rabat, Morocco sa March 30
Matapos ang matagumpay na papal visit sa United Arab Emirates (UAE), bibisita naman si Pope Francis sa Morocco para makipagpulong sa mga migrant.
Bibisitahin din ng Santo Papa ang training insitute for imam sa March 30 hanggang 31.
Nabatid na ang naturang center ang tagapagtanggol kontra sa Islamic extremism sa North African nation.
Ayon sa abiso ng Vatican, gaganapin ang meeting ng Santo Papa at migrants sa Vaticans Caritas Charity sa Rabat na capital ng Morocco.
Balak ding bisitahin ng Santo Papa ang isang social center sa labas ng Rabat.
Matagal nang nilalabanan ng Morocco ang Islamic extremism.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.