LOOK: Angelina Cruz, stunning sa kaniyang royal blue prom gown

Photo grab from Sunshine Cruz’s Instagram account

Stunning ang anak ni Sunshine Cruz na si Angelina Cruz suot ang kaniyang strapless gown para sa pagdalo sa high school prom.

Ginanap ang prom sa Manila Mariott Hotel sa Pasay City, araw ng Sabado (February 9).

Gamit ang kaniyang Instagram account, proud na ibinahagi ni Sunshine ang classic prom look ng kaniyang anak.

Gawa ang royal blue gown ng senior high school student ng fashion designer na si John Paul Dizon.

Naging simple naman ang hairstyle at accessories ni Angelina para umangat ang kaniyang gown.

Read more...