8 bahay sa QC, tinupok ng apoy

By Angellic Jordan February 10, 2019 - 03:14 PM SHARE(S):

Tinupok ng apoy ang walong bahay sa isang residential area sa Quezon City, Linggo ng hapon.

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng BF Road malapit sa Sandiganbayan, Commonwealth Avenue na sakop ng Barangay Holy Spirit sa lungsod.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog.

Idineklara namang fire out bandang 2:39 ng hapon.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon para alamin ang naging sanhi at kabuuang halaga ng pinsala sa sunog.

TAGS: quezon city, sunog, quezon city, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.