Chinese national na nagsaboy ng taho sa isang pulis sa MRT, pinatawad na ng NCRPO

By Chona Yu February 10, 2019 - 02:03 PM

Pinatawad na nina National Capital Region Police Office (NCRPO) director Guillermo Eleazar at PO1 William Cristobal si Jiale Zhang, ang Chinese na nagsaboy ng taho sa pulis matapos sitahin sa MRT Boni Station sa Mandaluyong City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Eleazar na hindi sapat ang paumanhin ni Jiale at kinakailangang harapin pa rin ang patong-patong asunto na nakasampa sa kanya gaya ng direct assault, disobedience to a person in authority at unjust vexation.

Ayon kay Eleazar, kanyang irerekomenda sa Bureau of Immigration (BI) na ideklarang undesirable alien si Jiale.

Kasabay nito, sinabi ni Eleazar na pinag-aaralan na ngayon ng NCRPO kung bibigyan ng komendasyon si Cristobal dahil sa matinding pagtitimpi sa ginawang pangbabastos ng Chinese.

TAGS: Guillermo Eleazar, jiale zhang, MRT Boni Station, NCRPO, William Cristobal, Guillermo Eleazar, jiale zhang, MRT Boni Station, NCRPO, William Cristobal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.