Napanatili ng bagyong Marilyn ang lakas ng hangin nitong aabot sa 150 kph at pagbugsong 185 kph.
Gayunpaman, nananatiling mabagal ang paggalaw nito patungo sa direksyong hilaga.
Ayon sa 11 pm weather bulletin na inilabas ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 985 km Silangan Hilagang-Silangan ng Casiguran, Aurora o sa 1,105 km Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Inaasahang makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga lugar na sakop ng 500 km diameter ng bagyo.
Binalaan naman ang mga mangingisda na huwag munang maglayag sa northern at eastern seaboards ng Luzon, at sa northern at eastern seaboards ng Visayas.
MOST READ
LATEST STORIES