Libu-libong kabahayan ang nawalan ng kuryente matapos ang malakas na buhos ng ulan sa Sydney, Australia araw ng Sabado.
Aabot sa 60 millimeters ang naitalang rainfall sa lungsod Biyernes pa lamang ng gabi.
Nalubog sa baha ang mga sasakyan at nabalam pa ang isang national football match.
Sa social media, kalat ang mga larawan ng pinsala ng pag-ulan kabilang ang nasirang traffic lights at bumagsak na mga puno.
Ayon sa energy companies, 40,000 bahay ang nawalan ng kuryente sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.
Nagkaroon din ng delay ang ilang flights sa Sydney airport habang nasira ang operasyon ng ilang linya ng tren.
Ang malakas na bayo ng ulan sa Sydney ay sa kabila ng nagpapatuloy na recovery efforts sa binahang state of Queensland.
Matatandaang noong nagdaang linggo ay nakaranas ng matinding pag-ulan ang nasabing lugar na nagbunsod ng paglikas ng daan-daang katao.