Pagbubuntis ni Liza Diño sa pamamagitan ng IVF ipinagpaliban muna
Ipinagpaliban muna ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño ang plano dapat nilang pagkakaroon ng anak sa Hunyo.
Ito ay dahil sa dami ng aktibidad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ngayong taon na pinamumunuan ni Diño.
Ngayong 2019 kasi ipinagdiriwang ang ika-100 taon ng industriya ng pagpepelikula sa Pilipinas.
Ayon kay Diño, imbes na sa Hunyo ay sa Disyembre na lamang nilang mag-asawa itutuloy ang proseso ng in vitro fertilization.
Ipinakiusap anya niya kay Seguerra na hayaan muna siyang ilunsad ang mga proyekto at events ng FDCP.
Sa ngayon ay naka-freeze umano ang kinuhang ovarian eggs mula kay Ice.
Sakaling itutuloy na ang proseso ay ima-match na ito sa sperm donor na napili nilang mag-asawa.
Ani Liza, ang proseso ng IVF ay magaganap sa Malaysia dahil sa hindi pa ito tanggap sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.