Lumawak muli ang lugar na naaabot ng pagbugso ng northeast monsoon o Hanging Amihan.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, sa ngayon ay buong Luzon na ang nakararanas ng malamig na ihip na hangin ng Amihan.
Ayon kay weather specialist Loriedin De La Cruz, walang sama ng panahon na mabubuo sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Ngayong araw, dahil sa epekto ng Amihan makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region at buong MIMAROPA.
Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay mararanasan ang magandang panahon na may posibilidad ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan.
Sa Visayas at Mindanao naman ay maalinsangan ang panahon na may posibilidad ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat lalo na sa hapon o gabi.
Wala namang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat kaya’t pinapayagan ang paglalayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.