Lebel ng tubig sa La Mesa Dam, mas mababa na sa normal level

By Rhommel Balasbas February 10, 2019 - 03:18 AM

Mas mababa na sa normal level ang lebel ng tubig sa La Mesa dam at ilang buwan pa ang hihintayin bago magsimula ang tag-ulan.

Ayon kay PAGASA hydrologist Richard Orendain, alas-6:00 ng umaga ng Sabado ay nasa 72.19 meters na lamang ang water level sa dam na anya’y napakababa na.

Iginiit ni Orendain na sa ganitong panahon ang water level sa La Mesa dam ay kadalasang nasa 78 hanggang 79 meters pa.

Dahil dito nanawagan ang hydrologist ng ‘water conservation’ o pagtitipid upang ang natitirang reserba ay maging available pa sa mas mahabang panahon.

Ayon kay Orendain, hindi pa tapos ang dry season at ang tag-ulan ay kadalasang nagsisimula sa katapusan ng Mayo o simula pa ng Hunyo.

Kung wala anyang gagawing water conservation ay posibleng umabot na lamang sa 65 hanggang 66 meters ang tubig ng La Mesa dam sa katapusan ng Abril.

Ang naturang projection ay mas mababa sa lowest water level ng dam noong June 6, 2018 na 70.16 meters.

Paliwanag ng PAGASA, mas mabuti sana kung may iba pang pinagkukunan ng tubig ang La Mesa dam bukot sa Angat Dam sa Bulacan.

Ang tubig mula sa Angat Dam ay dumadaan sa Ipo Dam saka dadaloy patungo sa La Mesa Dam.

Ang Angat-Ipo-La Mesa water system ay ang nagsusupplay ng halos kabuuan ng kailangang tubig ng  Metro Manila.

TAGS: la mesa dam, normal level, Pagasa, tag-ulan, water conservation, water level, la mesa dam, normal level, Pagasa, tag-ulan, water conservation, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.