Pwede pa ring kwestyunin sa Korte Suprema ang naratipikahang P3.757 trilyong 2019 national budget na umanoy mayroon pa ring pork funds.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, maaaring dumulog sa Supreme Court (SC) para sabihing bawal ang national budget alinsunod sa kaso na dinesisyunan na ng korte.
Ang tinutukoy ng Senador ay ang 2013 ruling ng SC na nagdeklarang unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o ang pork barrel.
Ayon kay Drilon, naibigay sa Senado ang bicameral report para sa 2019 national budget alas 2:00 Biyernes ng hapon at nagkaroon lang ang mga Senador ng 15 minuto para sa review ng mg dokumento na naglalaman ng halos 50 pahina.
Dagdag ng Senador, mayroong abuse of discretion sa panig ng maraming mambabatas dahil sa pagsingit ng kanilang mga proyekto sa pambansang pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.