Nawalan ng bahay ang 10 pamilya sa sunog sa Barangay 183 sa Maricaban, Pasay City Sabado ng gabi.
Nagsimula ang sunog alas 9:30 ng gabi na umabot sa third alarm at tuluyang naapula alas 11:10 ng gabi.
Sa Facebook video ni Lhei Badion, makikita ang malaking apoy at pagkakagulo ng mga residente.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagmula ang apoy sa bodega sa third floor ng bahay ng isang Nicanor Sta. Ana.
Posible umanong nagkiskisang wire ang pinagmulan ng sunog.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.
Wala namang nasaktan o nasawi sa sunog.
Sa pagtaya ng BFP, nasa P150,000 ang halaga ng ari-ariang naabo.
Matatandaan na sa parehong barangay ay nasawi ang 9 na magkakamag-anak na natrap sa nasunog nilang bahay noong Huwebes.