Dinagsa ng mga naghahanap ng trabaho ang isinagawang “Build Build Build Jobs Jobs Jobs” caravan sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) gymnasium araw ng Sabado.
Nasa 30,000 trabaho ang binuksan ng nasa 100 kumpanya.
Bukod sa mga taga-Central Luzon at mga karatig-lugar, layon din ng job fair na bigyan ng trabaho ang mga empleyado ng Hanjin na mawawalan ng hanapbuhay.
Ayon kay Public Works and Highways Sec. Mark Villar, skilled ang mga manggagawa ng Hanjin at marami ring skilled workers ang naghahanap ng trabaho.
Malaking tulong anya ang job fair para maikonekta ang mga employers sa mga empleyado.
Ayon sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) nasa 3,000 empleyado ng Hanjin ang mawawalan ng trabaho.
Samantala, tiniyak ni Labor Sec. Silvestre Bello III na may i-aalok silang ibang kabuhayan sa mga empleyado ng Hanjin na hindi makakakuha ng trabaho sa job fair.
Tiwala naman si Bello na makakahanap agad ng trabaho ang Hanjin employees dahil highly skilled at mga bata pa ang mga ito.
Samantala, ilan sa mga aplikante sa job fair kahapon ay agad natanggap o hired on the spot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.