Locsin: Pagtapon ng taho ng babaeng Chinese sa pulis, hindi isyu

Pau Mesias photo

Naniniwala si Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin na hindi dapat gawing isyu ang ginawang pananaboy ng taho ng isang Chinese national sa isang pulis sa MRT-3.

Ito ay matapos imungkahi ng isang netizen sa Twitter na dapat ideport ang Chinese na nakilalang si Jiale Zhang.

Sa kanyang sagot, sinabi ni Locsin na hindi dapat palakihin ang isyu dahil maaari naman itong mangyari sa kahit sino sa kahit saang lugar sa kahit saang bansa.

Iginiit pa ng kalihim na ‘pathetic’ ang pagpapaingay o pagpapalaki sa insidente na hindi naman anya dapat isang isyu.

Nauna nang umani ng batikos sa mga Pinoy ang ginawa ni Zhang na inilarawan nilang pambabastos ng isang dayuhan sa isang Filipino sa sarili nitong bayan.

Nahaharap na ang babae sa mga reklamong direct assault, disobedience to a person in authority at unjust vexation.

Read more...