WATCH: Erap, nanuntok ng lalaki habang namimigay ng ang pao

By Rhommel Balasbas February 10, 2019 - 01:43 AM SHARE(S):
Screenshot of Mhalou Laderas video

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita ang panununtok ni Manila Mayor Joseph Estrada sa isang lalaki.

Ang insidente ay naganap sa isang parada sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Binondo kung saan namimigay ng ang pao ang alkalde.

Sa isang pahayag, sinabi ni Estrada na dinakma at hinatak ng lalaki ang kanyang kamay na halos ikahulog na niya.

Ayon sa alkalde, may lamang P20 at P50 ang mga ang pao na kanyang ipinamahagi.

Giit ni Estrada silakbo lamang ng damdamin ang insidente dahil sa kawalan ng pakialam sa kapwa.

Humingi ng paumanhin ngayon sa publiko ang dating presidente at sinabing walang may gusto sa pangyayari at pagkabigla lamang ito.

Umani ng batikos ang opisyal dahil sa video na mayroon ng higit 800,000 views ngayon.

TAGS: Ang Pao, Chinese New Year, Erap, Mayor Joseph Estrada, nanuntok, Ang Pao, Chinese New Year, Erap, Mayor Joseph Estrada, nanuntok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.