Binatilyo, nag-abot ng droga sa preso sa kulungan sa Cebu City

By Len Montaño February 10, 2019 - 01:25 AM

Benjie Talisic, CDN

Isang 16 anyos na lalaki na binisita ang kaibigang nakakulong sa San Nicolas Police Precinct detention cell ang naaktuhang nag-aabot sa preso ng pitaka na may lamang hinihinalang shabu.

Ayon kay SPO2 Edgardo Erci Emia, San Nicolas Precinct desk officer, inaresto ang binatilyo matapos madiskubre na ang pitaka ay may lamang 8 pakete ng hinihinalang shabu.

Binisita ng binatilyo ang kaibigang si Jun Ramas na nakakulong dahil sa kasong possession of illegal drugs.

Habang nag-uusap ang dalawa, dumaan si PO1 Floro Lada na nakitang iniaabot ng bata ang pitaka kay Ramas.

Nagulat ang pulis nang makita sa pitaka ang 8 pakete ng umanoy shabu.

Itinurn-over na ang hindi pinangalanang suspek sa Operation Second Chance, isang pasilidad para sa mga kabataang lumabag sa batas.

TAGS: pitaka, preso, San Nicolas Police Precinct detention cell, shabu, pitaka, preso, San Nicolas Police Precinct detention cell, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.