WATCH: Anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel, pinatumba ang kalaban sa boxing match

By Len Montaño February 10, 2019 - 12:37 AM SHARE(S):
Manny Pacquiao FB

Tila gustong sumunod sa yapak ni Senator Manny Pacquiao ang panganay na anak nitong si Emmanuel Pacquiao Jr. o kilala sa palayaw na Jimuel.

Bagamat hindi pa pulidong boksingero, pinatumba ni Jimuel ang kalaban nito sa isang boxing match.

Sa video sa social media ay mapapanood ang 18 anyos na si Jimuel na nagpamalas ng kanyang boxing skills.

Makikita ang nakababatang Paquiao sa 2-rounds sparring session laban sa isa pang aspirant boxer na si Lucas Carson.

Gaya sa paglaban ng kanyang ama sa ring ay makikitang laging sumusugod si Jimuel sa kanyang ka-sparring.

Wala ang pambansang kamao sa mismong laban ng anak pero napanood niya ito sa pamamagitan ng video call.

Una nang sinabi ni Pacquiao na hindi niya pipigilan ang anak na maging boksingero.

TAGS: boxing skills, Jimuel Pacquiao, manny pacquiao, pinatumba, sparring, sparring session, boxing skills, Jimuel Pacquiao, manny pacquiao, pinatumba, sparring, sparring session

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.