39 patay sa India matapos uminom ng pekeng alak
Tatlumput-siyam ang nasawi habang 27 ang nagkasakit sa pag-inom ng mura at pekeng alak na may lamang nakakalasong kemikal sa ilang lugar sa Northern India.
Ayon kay Senior police officer Ashok Kumar, 26 ang nasawi sa dalawang magkahiwalay na insidente sa Uttar Pradesh habang ang 13 iba na namatay ay mula sa Uttarakhang.
Ang mga biktima ay uminom ng alak na mayroong toxic methanol.
May inaresto ang pulisya na 8 katao na hinihinalang nasa likod ng pagkalason habang 35 opisyal ng gobyerno ang sinuspinde kabilang ang 12 pulis.
Madalas ang insidente ng mga pekeng alak sa India dahil hindi kayang bumili ng mahihirap ng mga lisensyadong brand ng alak.
Ang mga pekeng alak ay kalimitang nilalagyan ng mga kemikal gaya ng pesticide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.