Hanggang Sabado ng gabi ay patuloy ang forest fire sa Barangay Ekip sa Bokod, Benguet.
Wala pang detalye ang otoridad sa lawak ng pinsala ng sunog na nagsimula Biyernes ng umaga.
Ayon kay Victor Gorinto ng Provincial Environment and Natural Resources sa Benguet, nahihirapan silang puksain ang sunog dahil kulang ang forest rangers.
Wala rin anyang sapat na equipment at mga sasakyan para matulungan ang Bureau of Fire Protection (BFP) para maiwasan ang pagkalat ng apoy.
Ang nasunog na bahagi ng gubat ay malapit sa Mt. Pulag pero tiniyak ni Gorinto na mayroong natural fire line na pipigl sa sunog na kumalat sa lugar.
Iniimbestigahan na rin ang dahilan ng forest fire.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.