Pinatay na Brgy. Chairwoman sa QC, nailibing na

By Len Montaño February 09, 2019 - 10:34 PM

Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Barangay Bagong Silangan Quezon City Chairwoman Crisell “Beng” Beltran sa Forest Lawn Memorial Park sa Rodriguez, Rizal Sabado ng umaga.

Nagkaroon muna ng misa sa San Isidro Labrador Parich Church sa Quezon City pagkatapos ay nagkaroon ng funeral march sa libingan.

Tinatayang 4,000 ang sumama sa libing ni Beltran kabilang ang pamilya, mga tauhan at kapartido nito.

Credit: Christia Ramos/INQUIRER.net

Noong nakaraang linggo ay naaresto ang apat na suspek sa krimen pero dalawang iba pa ang nananatiling at large.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pagpaslang kay Beltran na tatakbo sanang kongresista sa ikalawang distrito ng Quezon City.

TAGS: Barangay Bagong Silangan, Bgy. Chairwoman Beng Beltran, Chairwoman, Kapitanan Beng, nailibing na, Barangay Bagong Silangan, Bgy. Chairwoman Beng Beltran, Chairwoman, Kapitanan Beng, nailibing na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.