P2.8M halaga ng party drugs, nakumpiska sa buy bust sa Makati

By Len Montaño February 09, 2019 - 10:19 PM SHARE(S):
File photo

Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P2.8 milyong halaga ng iligal na droga mula sa isa sa umanoy top supplier ng party drugs sa Metro Manila.

Arestado ang 24 anyos na si Ruth Ann Mabalay na ayon sa PDEA ay pangunahing supplier ng party drugs sa National Capital Region (NCR).

Nahuli si Mabalay sa buy bust operation sa Makati City gayundin ang kapatid nitong si Sara Mae, event organizer na si Ryan Christopher Somera at ang Filipino-Japanese na si Tetsuya Tristan Sasaki.

Ayon kay PDEA agent Wenifredo Alagabia Jr., team leader ng operasyon, kasabwat si Sara Mae sa kalakalan ng droga habang sina Somera at Sasaki ay customer at umanoy tulak ng droga.

Nakuha sa mga suspek ang iba’t ibang klase ng party drugs kabilang ang ecstasy tablets at capsules, kush o high-grade marijuana at cocaine.

Sinabi ni Alagabia na ang grupo ang supplier ng party drugs sa mga party-goers sa iba’t ibang high-end bars sa Bonifacio Global City sa Taguig City, Quezon City at posible sa Makati City.

Ang nakuhang mga droga ay galing umano sa Amsterdam sa The Netherlands at nakikipag-transakyon online si Ruth Ann sa kanyang suppliers sa ibang bansa.

TAGS: BGC, buy bust, ecstasy, p[arty drugs, PDEA, supplier, BGC, buy bust, ecstasy, p[arty drugs, PDEA, supplier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.