Boyfriend ni Ashley Abad na namatay sa drug overdose sa Cebu City, kakasuhan

Contributed photo

Sasampahan ng kaso ng pulisya ang boyfriend ni Ashley Abad, ang 19 anyos na namatay sa isang event sa bisperas ng Sinulog festival sa Cebu City.

Kasabay nito ay kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na base sa resulta ng autopsy ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory, nasawi si Ashley dahil sa overdose ng party drug na ecstasy.

Ayon kay Chief Supt. Debold Sinas, director ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7), inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasuhan ang boyfriend ng dalaga.

Ang pagsasampa anya ng kaso ay depende kung susunod ang boyfriend sa ilalabas nilang subpoena. Kung hindi umano tutugon ang lalaki sa subpoena ay aarestuhin ito ng otoridad.

Ang hindi pinangalanang boyfriend ni Ashely ang itinuturing ng pulisya na pangunahing suspek sa kaso.

Nag-collapse si Ashley habang ito ay nasa Plus63 Music and Arts Festival sa bisperas ng Sinulog Festival noong January 19.

Read more...