Lalaking nang-hostage ng mga kaanak, napatay ng pulis sa Maynila

By Len Montaño February 09, 2019 - 09:40 PM

Napatay ng pulis ang isang 26 anyos na lalaki na nang-hostage ng kanyang mga kaanak at nanaksak sa gitna ng negosasyon sa Barangay 860 Pandacan, Manila Sabado ng umaga.

Ayon sa Manila Police District (MPD), ang nasawing hostage-taker ay si Ranil Christian Baje.

Ipinaalam ni Barangay Chairman Rene Janda sa pulisya na sinunog umano ni Baje ang bahay ng kanyang mga kamag-anak sa Floresca Street.

Pagkatapon ay hinostage ng suspek ang 59 anyos na lola nitong si Imelda Padilla, 23 anyos na tiyuhin na si John Bernard Padilla at 29 anyos na tiyahin na si Maria Regina Padilla.

Pagdating sa lugar ay sinubukan nina Insp. Genesis Aliling, hepe ng Beata Police Community Precinct at tauhan nitong si Insp. Francis Guevarra na makipag-negosasyon kay Baje.

Pero ilang beses umanong sinaksak ng suspek si Aliling at nang umawat ang isa pang pulis ay nasugatan din ito. Dito na binaril ni Aliling si Baje.

Dinala ang suspek sa ospital pero idineklara itong dead on arrival.

Stable naman na ang kundisyon at nakalabas na ng ospital ang dalawang pulis.

TAGS: hostage, hostage taker, manila, Manila Police District, napatay, pandacan, hostage, hostage taker, manila, Manila Police District, napatay, pandacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.