Umaabot sa 120 mga bahay ang tinupok ng malaking sunog sa bahagi ng Agham Road, Brgy. Pag-asa sa Quezon City.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog pasado alas-tres ng hapon at naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa ang mga bahay sa mga light materials.
Sa paunang imbestigasyon ay sinasabing galing sa napabayaang kalan ang apoy na tumupok sa mga kabahayan.
Sinabi ng lokal na pamahalaan ng Quezon city na aabot sa 240 pamilya ang nawalan ng bahay dahil sa sunog samantalang aabot naman sa P800,000 ang halaga ng pinsala sa nasabing insidente.
Sa kasalukuyan ay pansamantalang nanunuluyan sa ilang basketball covered court malapit sa lugar ang mga biktima ng sunog.
Nagpapatuloy ang isinasagawang mopping up operation ng mga bumbero sa lugar kung saan ay umabot sa 4th alarm ang nasabing sunog na lumikha na rin ng mabigat na daloy ng trapiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.