Comelec: Ballot printing para sa May elections sinimulan na

Radyo Inquirer

Nagsimula na ang Commission on Elections (Comelec) ng pag-iimprenta sa 64 milyong mga balota para sa May 13, midterm elections.

Kasabay nito ay hinigpitan na rin ang seguridad sa paligid ng National Printing Office sa Quezon City kaugnay sa nasabing pag-iimprenta ng election ballots.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na kayang mag-imprenta ng NPO ng isang milyong balota kada araw.

Kapag hindi nagkaroon ng aberya ay inaasahang matatapos ang pagpapa-imprenta ng mga balota sa April 25.

Sa pinakahuling tala ng Comelec, umaabot sa 63 ang mga kandidato sa pagka-senador samantalang 134 naman ang partylist.

Samantala, pinayuhan naman ni Jimenez ang mga kandidato sa national positions na alisin na nila ang kanilang mga oversized na campaign materials dahil pwede silang madiskwalipika sa halalan kapag hindi nila ito inalis sa pagsisimula ng kampanya sa February 12./

Read more...