Lalaking nahaharap sa 193 counts ng kasong rape arestado sa Pampanga
Makaraan ang higit sa dalawang taong pagtatago ay naaresto na sa Pampanga ang isang lalaki na nahaharap sa 193 counts ng kasong rape.
Kinilala ng Criminial Investigations and Detection Group (CIDG) ang nahuling suspek na si Anthony Nopat, 36-anyos.
Si Nopat ay nahuli ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Camarines Norte at CIDG-Police Force Unit sa Angeles City makaraan ang isang tip.
Sa pagtutulungan ng mga pulis ay nalambat nila ang suspek sa Purok 3, Brgy. Tabon in Angeles City, Pampanga kaninang madaling-araw.
Si Nopat ay inireklamo ng kanyang sariling anak na umano’y pauli ulit niyang pinagsamantalahan.
Noong March 27, 2017 ay naglabas ng warrant of arrest si Judge Evan Dizon ng Regional Trial Court Branch 40 sa Daet, Camarines Norte para laban kay Nopat.
Mula noon ay nagtago na siya at nagpalita-lipat ng lugar hanggang sa matiyempuhan ng mga pulis sa Pampanga.
Si Nopat ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination .Ang kanyang anak na biktima ay nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.